Paano mag-aral para sa exams ?

Nakaka-stress ang mag-aral para sa exams, lalo na't alam mong nakadepende rito ang magiging resulta ng iyong pinal na grado. Halos wala pa atang nakaka-perfect ng exams nang dahil sa tsamba lang...dapat kasi itong pinaghahandaan nang sa gayon ay pumasa't magkaroon ng mataas na marka. Kung gusto mo talagang makakuha ng mataas na marka, gawin mo ang ilang techniques ng pag-aaral ilang araw, oras, o minuto bago ng iyong pagsusulit. Ang-pag-aaral nang mabuti sa tamang paraan ay siguradong magbubunga ng magandang resulta, kaya naman sundin lang ang mga tips na nasa ibaba. Ang mga tips na ito ay maaaring di epektibo sa iba, kaya mabuting ituring ito bilang gabay lamang.


Steps:

§  
11..Magkaroon ng layunin. Kaya mong makakuha ng A+ sa lahat ng bagay, kailangan mo lang subukan. Magkaroon ng magandang layunin at gawin ang lahat para maabot mo iyon. Laging isipin kung gaano ka kahusay sa asignaturang iyon.

§  2.Planuhin ang iyong oras. Kasama na rito ang pagbabalanse ng lahat ng kailangan mong gawin at dapat pag-aralan. Huwag na huwag ipagpabukas ang kaya namang gawin ngayon.

§ 3.Kung mayroon kang ekstrang oras, gamitin mo ito. Mas mainam ang maging over prepared sa isang exam kaysa maging unprepared.

§  4.Magsimula nang maaga. Kung nahihirapan ka sa paksang inaaral mo sa eskwela, makakabuti kung agad mo itong pag-aaralan. Pero syempre, huwag mo namang patayin ang sarili mo. Dahan-dahan ngunit sigurado. Ito ang susi para manalo sa karerang ito.

§  5.Alamin ang kahalagahan ng exam. Kung maganda ang performance mo sa isang subject, pero tagilid ka sa iyong quizzess, huwag kang maging kampante. Huwag maliitin ang midterm exam. Binubuo ang iyong pinal na grado ng pinagsama-samang resulta ng iyong exams sa buong taon o termino. Karaniwan, ang midterm ay 20% ng iyong final grade. Kung ikaw ay nasa kolehiyo, maaaring 50% o higit pa ng iyong final grade. Kaya seryosohin ang iyong exam kaysa magsisi sa huli.

§  6.Alamin kung ano ang maaring lumabas sa exam. Balikan mo ang lahat ng inyong pinag-aralan. Alalahanin mo kung ano ang mga binanggit ng teacher mo na dapat pag-aralan. Isa-isahin mo lahat. Kung may kaibigan ka na tapos ng kunin ang subject na inaaral mo ngayon, makakabuti kung manghihiram ka ng mga lumang exam, quizzess, homeworks, handouts, at iba pa na maaaring makatulong sa'yo sa pag-aaral. Ang dahilan sa likod nito ay simple lang: imposibleng maging ganoon kamalikhain ang mga guro, kaya may posibilidad na ulitin lang nila ang laman ng exams. Maganda ring ideya ang color coding ng iyong mga rerebyuhin (halimbawa, pula para sa Math, violet para sa History, Blue para sa English, green para sa Science, atibapa.) Laging tandaan: mas madali ang mag-aral ng sarili mong gamit kaysa manghiram sa iba.

§  7.Gumawa ng reviewer. Isulat ang lahat ng mahahalagang bahagi na dapat mong aralin. I-highlight ang mga nasa libro at isulat sa isang papel, o index card, o kung anumang uri ng papel na komportable kang dalhin maski saan. Mag-aral ka kasama ng iyong kaibigan, o magulang. Pero kung mas komportable kang mag-aral nang mag-isa, pwede rin naman. Siguraduhin lang na tahimik ang lugar kung saan ka magre-review....huwag lang sobrang tahimik na pwede kang dalawin ng antok anumang oras.

§  8.Isulat ang mga tanong at ilagay ang mga sagot sa ilalim nito. Gumawa ng flash cards. Huwag isulat sa mga buong pangungusap, kakainin lang nito ang iyong oras at mas mahihirapan kang magkabisa ng mga dapat aralin.

§ 9. Mag-aaral kung saan ka komportable. Mapa-library man iyan, eskwelahan, kapehan, o sariling kwarto, basta't tahimik, ay maaari mong gawing study area. Hindi nga lang advisable na mag-aral sa lugar na may unan, sofa, kama, o anumang bagay na maaaring maging dahilan upang ikaw ay antukin. Paano ka ba mag-aral? Sa maingay? Sa tahimik? O tuwing suot ang paborito mong t-shirt? Kung sanay kang mag-aral nang nakabukas ang telebisyon, o nakikinig sa music, o kumakain nang kung anu-ano...gawin mo. Daragdagan nito ang motibasyon mo para mag-aral sapagkat ikaw ay komportable at hindi napipilitan. Magpatugtog ng malumanay na kanta na walang lyrics, ito ang pinakamainam pakinggan habang nag-aaral.


Napakaraming maaaring maging distractions habang ikaw ay nag-aaral:



§  Naglalaro ang iyong nakababatang kapatid sa inyong bahay. Tumatakbo, tumitili, nakikipagkulitan. Malamang sa hindi ay mauwi ka sa panonood ng mga pelikula at isasantabi ang oras para sa pag-re-review.

§  Sinasadya kang guluhin ng iyong nakatatandang kapatid. Nariyan ang uutusan ka. O papagalitan ka maging sa napakaliit na bagay na hindi naman kailangang pag-aksayahan ng oras.

§  Hindi nakakarelax ang iyong pinapakinggang music, o di naman kaya, napapakanta ka sa naririnig mo kaysa magpokus sa dapat mong pagtuunan ng atensyon.

§  Masyadong madilim. Nakaka-strain ng mata ang dim light.

§  Isa kang malaking kalat. Linisin mo ang parang binagyo mong kwarto. Baka maipatong mo sa kung saan ang iyong ballpen o reviewer at abutin ng siyam-siyam sa kakahanap nito. Nag-aaksaya ka lang ng oras.

§  Ulit-ulitin ang pagbabasa hanggang sa ito ay iyong makabisa.

§  I-rewrite. Mainam ang pagre-rewrite ng notes lalo na kung ikaw ay isang kinesthetic learner. Tuwing ikaw ay nagsusulat, malamang ay iniisip mo kung ano ang iyong isinusulat, tungkol saan ito, at bakit mo ito isinulat. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat, sinasariwa nito ang iyong memorya. Sakaling makakita ka ng iyong notes isang buwan na ang nakakalipas, na may kaugnayan sa iyong paparating na exam, makakabuti kung ire-rewrite mo ang mga ito.

§  Hanapin ang tamang oras. Huwag kang mag-aral kung ikaw ay pagod. Siguradong aantukin ka lang. Mas mainam mag-aral nang 2 oras sa loob ng isang araw kaysa mag-cram sa disi-oras ng gabi. Kaunti lang ang iyong makakabisa sa ganoong paraan. Ngunit para sa iba, mas epektibo naman ang pag-aaral ng gabi o madaling araw kung saan ang lahat ay tahimik at wala ng anumang distractions. Hanapin mo ang tamang oras kung saan ka gising na gising at nasa mood para mag-aral.

§  Unawain. Hindi sapat ang pag-aaral kung hindi ito sususugan ng pag-unawa. Dapat ay iniintindi mo ang iyong inaaral nang sa gayon ay hindi ka na mahirapan sa pagsagot ng exam sakaling makalimutan mo ang iyong mga kinabisa. Kung nahihirapan ka sa math problems, magsanay ka na sa bahay pa lang. Magsagot ka nang magsagot ng math problems sa inyong libro o sa mga makikita sa internet. Aralin mo step by step kung paano nabuo ang solution. Hindi iyong hindi man lang pinag-isipan ang isasagot. Kung history naman ang iyong kinakabahala, karaniwan ay kakailanganin mong magkabisa nang mga petsa, lugar, tao, at pangyayari. Isang advantage ang pagbabasa sa mga ganitong pagkakataon. Sa paraang ito, malalaman mo ang mga sagot sa tanong na sino, ano, kailan, paano, saan, at bakit. Magiging pamilyar sa iyo ang lahat ng konseptong dapat mong aralin.

§  Mag-notes. Ugaliin ang pagsusulat ng notes may paparating man na exam o wala. Karaniwan, sinasabi naman lahat ng isang guro ang mahahalagang punto ng inyong paksa. Ang kaso, kung hindi nakikinig, ay hindi rin nag-no-notes ang mga estudyante. Kadalasan ay ipinapakopya pa nga ito sa blackboard. Maski may handouts na ipinamimigay ang iyong guro, ugaliin pa rin ang magsulat ng notes. You'll never go wrong.

§  Makinig. Minsan, isinasama ng mga guro sa test questions ang mga bagay na nabanggit niya sa klase na hindi matatagpuan sa inyong libro o ipinakopyang notes. Kaya matutong makinig. Maging alerto. Maraming bagay ang matututunan ng isang tao sa pakikinig lamang. Nariyan ang tenga para gamitin.

§  I-adjust ang ilaw. Para sa mga lalaki, subukang mag-aral na may dimmer light. Ayon sa statistika, 75% ng mga lalaki ay mas nakakapagpokus sa paraang ito. Samantalang ang 90% naman ng mga babae ay mas nakakapagpokus sa inaaral sa isang kwartong maliwanag at kaunti lang ang ingay.

§  Magpahinga. Take a break. Kailangan mo rin ng oras para mag-relax, mag-unat-unat, kumain, o makipagkwentuhan . Mas mabuting mag-revise kung ikaw ay relaxed kaysa pigain mo ang utak mo sa kakaisip buong araw. Magpahinga ng 15 minuto, saka mag-aral ulit.

§  Umidlip kung kailangan. O uminom ng tubig kaysa kape. Ang kape ay may caffeine. Gigisingin ka nito sa loob ng ilang oras pero hindi magtatagal ay makakaramdam ka ng labis na pagkaantok. Kusang babagsak ang mata't katawan mo gustuhin mo man o hindi. Kaya umidlip ng 15-20 minuto upang mabawi ang naubos na lakas. Maghilamos pagkagising nang sa gayon ay magising ang inaantok mo pang diwa.

§  Hatiin ang dapat aralin. Kung lima ang dapat mong aralin ay tatlo doon ay madali, unahin mong aralin ang madadali. Nang sa gayon, ay marami kang oras upang araling mabuti ang natitirang dalawang mahihirap na subjects. Ang iba kasi, inuuna ang mahihirap at saka ihuhuli ang madadali. Kung saan ka mas komportable, iyon ang iyong sundin. Basta't balansehin mo lang ang iyong oras nang mabuti.

§  Humingi ng tulong sa iba. Kung kailangan mo ng tulong, huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa iba. Lalo pa kung nahihirapan kang intindihin ang ilang mga bagay na kasama sa iyong paparating na exam. Gugustuhin nilang pumasa ka, kaya siguradong tutulungan ka nila sa oras na ikaw ay lumapit.



Tips :
§  Alamin kung sino ang nagsusulat ng exam. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung anong klase ng exam ang papasagutan. Ito ba multiple choice, true or false, short answer, o essay? Huwag ka nga lang masyadong mag-aksaya ng oras para malaman kung anong klase ng exam ang ibibigay ng gagawa nito.

§  Magpatulong sa mga personnel, propesor, o librarian kung may kailangan. Kumonsulta sa inyong guidance counselor para sa mga study tips at time management na kanyang maipapayo.

§  Matulong nang mahimbing bago ang exams, nang sa gayon ay may sapat na lakas ka para sagutan ang exam nang maayos.

§  Kumain ng marami bago mag-exam. Nakaka-drain ang pagsagot ng exam, mas nahihirapang mag-isip ang mga estudyanteng kumakalam ang tyan sa gutom.

§  Maniwala kang kaya mong ipasa ang exam. Magkaroon ng kumpyansa sa sarili. Hindi ka papasa kung hindi ka maniniwala na kaya mong ipasa ang exam na matagal mong pinaghandaan.

§  Kung magre-review kasama ang kaibigan, siguraduhing hindi mauuwi sa kwentuhan o tsismisan ang inyong review time.

§  Laging mag-isip ng positibo.

§  Dalhin sa araw ng iyong exam ang anumang lucky charm na meron ka,pinapaniwalaan mong swerte, at tingin mo ay makakatulong upang pumasa ka sa exam. Wala namang mawawala sa'yo.

§  Mag-aral nang paulit-ulit. Hindi iyong isang bagsakan lang ay tapos ka na. Kapag natapos mo ng aralin ang lahat ng subjects, review-hin mo ulit ang mga inaral mo na. Sa paraang ito, mas maaalala mo ang mga nauna mong inaral. Mahirap nang makalimot.

§  Maging masaya at huwag kakabahan. Tutal, nag-aral ka ng mabuti hindi ba? Wala kang dapat ikatakot. Papasa ka!

§  Ngumuya ng chewing gum habang nag-e-exam. Ayon sa mga pag-aaral, pinapanatiling aletro ng mint ang ating isip.

§  I-review ang mga sagot nang mabuti bago ipasa ang exam. Huwag magpalit ng sagot kung hindi ka sigurado.


Babala !

§  Huwag male-late sa exam.

§  Huwag na huwag mangongopya. Mas rewarding ang pakiramdam kung papasa ka nang hindi nandadaya. Mas hahangaan ka ng tao sa mga bagay na iyong pinaghirapan. Maliban dito, ipinagbabawal ito sa pagsagot ng exam. May karampatang parusang naghihintay sa mga gagawa nito.

§  Huwag masyadong maging kumpyansa. Tama ang maging positibo, ngunit maraming taong na hindi mo inaasahan ang maaaring lumabas sa exam.

§  Huwag magpuyat bago ang exam. O uminom ng alak. Gagawin ka nitong groggy sa araw ng exam. Mawawalan ka ng pokus at maaaring makatulog ka sa antok o hangover.

§  Huwag iasa ang lahat sa guro. Matutong maghanap ng mga kailangang aralin, magsulat ng notes, o magdala ng ballpen sa mismong araw ng exam.

§  Huwag ding iasa ang lahat sa mga kaibigan.

§  I-record ang sarili habang nag-aaral, i-recite ang mga binabasa nang malakas, mas madali mo itong matatandaan. Maaari mo pang balikan ang iyong ni-record pagkatapos.

§  Bago matulog, banggitin ang mahahalagang termino at tandaan ito. May posibilidad na maalala mo ang mga ito kinabukasan.

§  Gumising nang maaga, kumain ng sapat, at magtiwala sa sarili.

§  Kung bagsak ka man sa exam, huwag ma-depress. Kung alam mong ibinigay mo ang lahat, wala kang dapat pagsisihan. May susunod pa namang exam na maaari kang bumawi. Gawin mo itong motibasyon nang sa gayon ay mas ganahan ka pang mag-aral sa susunod!